Naupo si Saachi sa isang hindi kilalang lugar ng Endlos Void at isang puting liwanag ang lumabas mula sa kanyang katawan. Nagkukultibar siya upang pagalingin ang kanyang mga pinsala. Di nagtagal, gumaling na ang panlabas na trauma sa kanyang katawan. Gayunpaman, nagtamo siya ng maraming panloob na pinsala at kakailanganin ng mas maraming oras upang ganap na gumaling.
Sumunod si James sa kanyang paglalakbay. Ng makitang buong pusong ginagamot ni Saachi ang kanyang mga sugat, hindi na niya ito ginulo.
Naupo siya sa isang tabi at isinagawa ang paraan ng pag cucultivate mula sa Blood Mantra upang mapahusay ang kanyang bloodline power. Sa kasamaang palad, ang kanyang bloodline power ay medyo mabagal na bumuti gamit ang paraan ng pag cucultivate. Upang mapabilis ang proseso, kakailanganin niyang sumipsip ng lakas ng mga halamang gamot ng Empyrean.
Gayunpaman, nang ang kanyang bloodline power ay umabot na sa isang tiyak na limitasyon, hindi na ito bubuti gamit ang Empyrean Spiritual Energy