Tumango ang Saintess. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at pumasok sa guest room. Maya -maya, huminto siya sa tabi ng isang kama sa loob at tinitigan ang lalaking nakahiga ng hindi gumagalaw dito.
May nagbihis sa kanya ng malinis at puting damit. Wala ng mga peklat o sugat sa kanyang mukha. Maging ang kanyang mga pisngi ay bumalik na sa dating kulay. Ibang iba ang kanyang itsura kumpara noong una nila siyang matagpuan.
Muling sumilay ang isang mahiwagang liwanag sa mga mata ng saintess habang sinusuri niya ang katawan ni James.
‘Halos ganap na siyang nakabawi. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya nagigising.’ Pagtatapos ng Saintess sa isipan niya.
Dahil wala na siyang masyadong magagawa, hindi nagtagal ay lumabas ng silid ang Saintess.
Pagkalipas ng ilang sandali, dahan dahang iminulat ni James ang kanyang mga mata ng sa wakas ay nagkamalay na siya. Naglaan siya ng ilang oras upang pagmasdan ang kanyang paligid at bumangon sa kama.
“Nasaan ako?” Bulong ni James.
‘Noon, ginam