Napalitan na ang lahat ng guwardiya dito. Ngayon, ang mga tapat na lang ang natira sa Pavillion.
“Official Benedict, pinaghintay mo ang Master. Inutos niya na dumiretso ka sa bundok sa oras na dumating ka,” magalang na sabi ng guwardiya.
“Mhm.”
Habang kalmado ang ekspresyon, naglakad si Benedict.
Hindi nagtagal, dumating siya sa rurok ng bundok at nakakita ng kahoy na bahay. Dalawang tao ang makikita doon, si Helvius at James.
Nanigas si Benedict at napaisip, “Bakit siya nandito?”
Matapos ayusin