Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Pinag-aralan ko ang sinaunang kalatas na ito at nakakuha ako ng mga impormasyon tungkol sa Forsaken Land. Upang makapasok sa Forsaken Land, kailangan muna nating mahanap ang lagusan papasok sa Desolateness.”
“Haha…”
Humalakhak si Melinda at sinabing, “Hindi na masama… Ang mga kasulatan tungkol sa Forsaken Land ay isinulat gamit ng Ancestral Script. Hindi ko inakala na magagawa mong maunawaan ang script kahit na hindi mo pa naaabot ang Divine Rank. Kahanga-hanga ka