Nitong nakaraan, pumalpak ang misyon ng Chancellor.
Matagal na pinagplanuhan ng Sanctuary of Darkness ang planong ito bago nila ito isinagawa. Gayunpaman, pumalpak ito sa huli. Hindi lang ito pumalpak, nagresulta pa ito ng pagkawala ng Twelve Furies of Heaven and Earth, ang labingdalawang prominenteng nilalang sa Grand Emperor Rank.
Pagkatapos niyang bumalik sa headquarters, halos mamatay ang Chancellor.
Para ayusin ang pagkabigong ito, inihanda na naman niya ang proyektong ito.
Nagdala