Kabanata 2896
Pagkatapos niyang sabihin iyon, naging malagim ang ekspresyon ni Daley, at naging seryoso ang kanyang boses.

“Maraming beses na higit na mas makapangyarihan ang Overworld kaysa sa Stardust Realm. Kapag umatake sila gamit ang buong pwersa nila, wala tayong laban sa kanila. Maraming mga mundo sa kalawakan na nawasak mula pa noong sinaunang panahon. Kapag nabigo tayong ayusin ng tama ang krisis na ito, maaaring mawasak ang Stardust Realm.”

Nang marinig ito, nagtanong ang isang alchemist, “Sir, wala na bang paraan para maayos ‘to? Hindi ba tayo pwedeng humanap ng paraan para ayusin ang hidwaang ito?”

Bumuntong-hininga si Daley. “Naresolba na sana ang krisis na ito kung ganun lang iyon kadali. Imposible itong maresolba. Sa nagdaang mga taon, sinubukan kong makipag-usap sa Overworld. Subalit, dahil tumanggi silang makipagkita man lang sa’kin, wala na akong ibang magagawa.”

Mayroong malagim na ekspresyon sa mukha ng iba pang mga alchemist. Lahat sila ay mga nilalang ng Stardust Realm. It
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP