Kabanata 2879
Mahinang tumango si James at nagtanong, “Kailan kami aalis?”

Sumagot si Xandros, “Ngayon din. Ako mismo ang magpapadala sa inyo sa seal ng Boundless Realm.”

Pagkatapos magsalita, simpleng kumaway si Xandros at isang mahimalang pwersa ang lumabas sa palad niya at pumalibot kina James at Thea. Pagkatapos, isang lamat ang nabuo sa espasyo sa harapan nila.

Tumalon si Xandros sa lamat sa isang iglap.

Dinala niya sina James at Thea papunta sa kalawakan.

Sa sobrang tahimik ng kalawakan ay para ba itong nakakatakot.

Bigla na lang, isang lamat ang lumitaw sa kalawakan. Lumabas sina Xandros, Thea, at James sa lamat na ito.

Sa sandaling lumitaw si James sa kalawakan, tumingin siya sa harapan niya at nakita niya ang napakaraming planeta.

“Nakarating na ba tayo?” tanong ni James.

Tumango si Xandros, tumuro sa harapan nila, at nagsabing, “Oo. Iyan ang Boundless Realm.”

Tumingin din si Thea sa mga planeta.

Nagpaliwanag si Xandros, “Ang Boundless Realm ay hindi iisang planeta kundi
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP