“Sigurado ako na hindi naging madali na umabot dito. Kayong lahat na umabot dito ay ang pinakamagaling sa lahat ng magaling sa panahon na ito at nakatadhana na may marating sa hinaharap.”
“Mayroon din Supernatural Power sa arena na ito.”
Dumagungdong ang boses ng Guardian sa arena, at sinuri ng lahat ang paligid nila para makuha ang kayamanan sa oras na magpakita ito.
“Ang Supernatural Power sa arena na ito ay tinatawag na Cultivation Encyclopedia. Isa itong mahiwagang scripture na may detalyadong tala ng iba’t ibang landas ng cultivation.
“Ang Jade Emperor mismo ang sumulat ng scripture. Ipinatawag niya ang lahat ng powerhouse noong Ancient Heavenly Court Age at gumugol ng tatlong epoch para isulat ito. Isa itong walang katumbas na kayamanan.”
Nasabik ang lahat noong marinign ila ito.
Siguradong mahalaga ang kayamanan na ito kung ipinatawag ng Jade Emperor ang lahat ng mga powerhouse noong Ancient Heavenly Court Age at nagtagal sa pagsusulat nito.
Samantala, hindi lubos maintindihan n