Sumigaw si James, “Sugod!”
Agad niyang ginamit ang lahat ng Secret Arts niya at umabot na siya sa pinakamalakas niyang estado.
Si Feb at Qusai ay nagtransform din sa tunay nilang anyo at lumakas ng husto ang puwersa nila.
Sumigaw si Maveth mula sa malayo, “Ako ang kalaban mo, Gorger.”
Mabilis siyang naging malaki at ginintuang langgam at sinugod si Feb.
Umiwas sa atake si Feb at humanap ng pagkakataon para atakihin si Matilde.
“Lalabanan kita, James.”
Dumagungdong ang boses ni Lucifer, at agad niyang sinugod si James gamit ang Imperial Weapon niya.
Swoosh!
Nakakasilaw na Sword Energy ang sumabog.
Ngunit, anino lang ni James ang tinamaan ng Sword Energy.
Ang tunay na katawan ni James ay pasugod na sa Multicolored Flame Python, si Matilde. Patuloy ang paglabas ng mga Sword Energy mula sa Crepe Myrtle Divine Sword. Nagtataglay ng nakakatakot na Sword Intent ang mga Sword Energy, kabilang na din dito ang Smadhi Sword Intent, Murderous Intent, at Sword Intent na likha ng Sage Energy ni Jame