“Akin!”
Sa oras na itinago ito ni Brielle, isang powerhouse ang sumugod sa kanya.
Sinugod siya ni Maveth at inatake, kung saan tumalsik si Brielle.
Sa kabutihang palad, naitago na ni Brielle ang kayamanan sa storage space niya.
Bumaba mula sa kalangitan si James at tumayo sa harap ni Brielle. Ngumiti siya at sinabi. “Ang suwerte mo at nakuha mo iyon.”
Ngumiti ng tuso si Brielle at sinab, “Hindi ko rin ito inaasahan. Wala akong intensyon na kunin ang Heatherum pero nagpakita ito sa harapan ko.”
Ang ibang mga nilalang ay masamang tinitigan si Brielle.
Lumapit si Maveth at iniabot ang kamay niya at sinabi, “Ibigay mo sa akin!”
Pumuwesto si Brielle sa likod ni James.
Mapanghamak na tinignan ni James si Maveth at sinabi, “Sapagkat nakuha na niya ito, wala ng dahila para ibigay ito sa iyo. Naging pantay ang resulta ng huli natin na laban noon, kaya tapusin na natin ito.”
Sinulyapan ni James ang iba sa arena at sinabi, “Huwag kayong makielam dito at hayaan ako na laban ng maayos si Maveth. An