Sa kabila ng tulong nina Maveth, Matilde, Yorick, at Wilvalor, hindi pa rin naprotektahan ng ilang prominenteng nilalang na ito si Qhuv.
Ngayon, natanggal na si Qhuv. Umusad na rin ang arena sa second level.
Pagkatapos ng isang laban, nagpakita ng pagkabawas ang crystals nila. Kahit na hindi malaki ang nawala sa kanila, sa ganitong bilis, malamang ay malapit na silang matanggal.
"Anong dapat nating gawin?"
Tumingin si Maveth sa gitnang lugar. Napansin niyang pumasok si Lucifer sa halo at nagsimulang panumbalikin ang nabawasan niyang crystal. Sabi niya, "Sa sitwasyong ito, hindi natin sila pwedeng bigyan ng pagkakataong makapagpahinga. Kapag napuno na ulit ang crystals nila, tayo ang magdurusa habang nagpapatuloy ang laban."
Dumilim ang mukha ni Yorick. Sabi niya, "Kung ganun, ano pang hinihintay natin? Tara na at kunin natin to."
Tumango si Matilde at nagsabing, "Mhm. Sumasang-ayon rin ako. Habang nasa halo si Lucifer at hindi siya makaalis, nabawasan sila ng isang malakas na