Ang Ten Primordial Fiends ay sampung mga halimaw ng Fiend Realm noong Primordial Age.
Ang lahat ng sampung friends na iyon ay nasa Grand Emperor Rank at kilala sila sa Primordial Age. Hindi kailanman natuloy kung sino ang pinakamalakas at pinakamahina sa Ten Fiends. Ang dahilan nito ay kahit na lahat sila ay nagmula sa Primordial Age, hindi silang lahat nagmula sa parehong panahon.
Sa kanila, ang mga Gorger ang naunang lumitaw. Lumitaw sila sa simula ng Primordial Age.
Sa kabaligtaran, ang karamihan sa iba ay lumitaw nang mas nahuli.
Ngayon, apat sa Ten Fiends ang lumitaw. Gustong malaman ng lahat ng nilalang na narito kung alin sa apat na mababangis na halimaw ang pinakamalakas.
Sa pagsali nina Maveth, Matilde at Yorick sa laban, naging apat ang nasa panig ni Qhuv.
Samantala, may lima naman sa panig ni James.
"Magtig-iisa tayo ng kalaban," kaagad na sinuri ni James ang laban at mabilis na nagsabing, "Brielle, umatras ka muna sa laban sa ngayon. Manonood ka sa labas ng la