Walang nangialam para tulungan si Qhuv dahil hindi ngayon ang oras. Palihim na umaasa ang lahat na matanggal ang iba para sila ang matitira sa arena.
Nang nanghingi ng tulong si Qhuv, nagpakawala ng isa pang bugso ng mga atake sina James at ang mga kasama niya. Habang hawak ang Imperial Weapon, nilabanan niya sina James. Gamit ng makapangyarihang cultivation methods niya, natagalan niya ang pinagsamang atake nila.
Gayunpaman, posible lang ito dahil sa crystal. Kung wala ang crystal, magtatamo siya nang matinding sugat at mawawalan siya ng kakayahang ipagpatuloy ang laban laban sa pinagsamang lakas ng limang malalakas na nilalang. Kahit na ganun, kakasimula pa lang mabawasan ang crystal sa loob ng katawan niya. Kailangan pa ng oras nina James para tuluyang maglaho ang crystal.
Mula sa malayo, pinapanood ni Maveth ang laban.
Si James ang karibal niya. Naniniwala siyang siya ang isusunod ni James kapag natanggal si Qhuv. Pagdating ng oras na iyon, kailangan niyang lumaban sa lima