Nahanap ni James si Lucifer at binanggit ang hiling niyang maging kakampi niya.
Nagtatakang tumingin si Lucifer kay James. May ilang kakampi na si James. Bakit niya siya kukunin sa sandaling ito?
Nang naramdaman niya ang iniisip ni Lucifer, nakangiting nagsabi si James, "Walang mahina rito. Ngayon mismo, makikipag-alyansa ang lahat sa isa't-isa. Habang mas marami tayong kakampi, mas tataas din ang tyansa nating matira sa huli at makukuha natin ang ultimate providence."
Nagpunta ang lahat dito para sa ultimate providence.
Pinag-isipan ito ni Lucifer at nagsabing, "Sige pala, kakampi muna ako sa'yo sa ngayon."
Dahil makikinabang lang si Lucifer kapag kumampi siya kay James, hindi siya nagdalawang-isip nang matagal.
Nang ganun-ganun lang, nadagdagan ngayon ang kasama ni James. Sa sandaling iyon, may apat na miyembro siya sa team niya — sina Brielle, Qusai, Feb, at Lucifer. Kasama niya, tiyak na makakarating sila sa final stage.
Nang nakita ni Qhuv na hinila ni James si Lucifer