Matapos masiguro na totoo ang sinasabi ng Sword Master, tumalikod si Walganus at bumalik sa Yanina Peak para makausap si Yanina para sa susunod nilang gagawin.
“Walganus, ang Sangria ay nilulusob ng mga hukbo ng Korinth. Kung magpapatuloy ito, mauubos ang Sangria sa loob ng ilang taon. Sa oras na bumagsak ang Sangria, magiging balakid ito sa paghahanap mo sa Imperial Jade Seal at Crepe Myrtle Divine Sword.”
Nababalisa si Yanina.
Samantala, walang pakielam na sinabi ni Walganus, “Anong plano mo,