Nagsipulasan sa takot ang lahat ng mga tao sa tavern. Tanging ang babaeng naka-itim na bestida at may sumbrerong gawa sa kawayan na natatakpan ng belo ang mukha ang naiwang nakaupo sa inuupuan niya.
Sumugod ang grupo ng mga gwardiya at pinalibutan ang babaeng nakaitim na bestida.
Hindi natakot ang babae.
Sa sandaling iyon, isang lalaki ang naglakad papalapit. Mukha siyang nasa dalawampu't lima o dalawampu't anim na taong gulang. Nakasuot siya ng gintong balabal at may gwapong mukha. Lumapi