Matapos isipin ang sitwasyon, si James, Henry at Delainey ay naniwala na ang mga taong nakasuot ng itim na robe ay ipinadala ng Divinity Sect para pahirapin ang Grand Tournament.
“Hindi, mali kayo!” kinontra ng isang cultivator ang ideya. “Ang mga taong ito ay walang-awa at malupit. Nakita ko silang pumapatay ng ibang mga tao at kinukuha ang dugo nila, iniiwan ang tuyong mga bangkay nila!”
“Oo, wala silang awa! Kung mahuhuli ka nila ng buhay, papatayin ka nila sa kinatatayuan mo!”
Matapos ito ma