Habang nakatayo sa may hagdan, ang Divine Holy Emperor, na nakasuot ng kulay gintong balabal, ay nagpakawala ng isang napakalakas na aura. Umalingawngaw sa buong lugar ang napakalakas niyang boses.
“Maligayang pagdating, mga panauhin. Pakiusap, sumunod kayo sa’kin.”
Masaya niyang sinalubong ang mga kalahok sa Grand Tournament.
Nang marinig nila ang kanyang boses, ang grupo ng mga tao na nasa paanan ng bundok ay nagsimulang umakyat sa bundok.
Pagdating nila sa tuktok ng bundok, ginabayan si