Ipinaliwanag ni Sophie na hindi niya maaaring tulungan ng direkta si James para patayin ang mga kalaban niya. Sapagkat mataas ang rank niya, ang bawat kilos na gagawin niya ay may kaakibat na masamang epekto.
Lahat ng gagawin niya ay magreresulta ng chain reaction. Ang Karma na dala ng mga kilos niya ay matindi at maaaring hindi niya ito kayanin.
Interesado si James sa bagay na ito.
Ngunit, hindi na nagpaliwanag pa si Sophie. Sinabi na lang niya na marami pa siyang pagkukulang sa maraming mga ba