Bago pa matanong ni James si Thomas, naglaho na siya ng parang bula.
Pag-alis ni Thomas, lumapit si Bennett kay James at tumingin siya sa pwesto kung nasaan si Thomas kanina habang bumubulong, "Lalo pa siyang lumakas ngayon."
Si Bennett ay isang eighth-rank grandmaster. Sa kabila ng paggamit niya sa buong lakas niya, madaling nasalag ni Thomas ang atake niya. Hindi niya maisip kung gaano na ba talaga kalakas si Thomas sa kasalukuyan.
"Mukhang totoo nga ang mga balita. Nakinabang ng husto s