Walang takot pumatay si Tobias. Papatayin niya ang sinumang humadlang sa daraanan niya, maging ang sarili niyang ama. Kahit na medyo wala na siya sa katinuan, rasyonal pa rin siyang mag-isip. Binalaan niya si Lorenzo na huwag nang mangialam sa problema ng pamilya.
“Kinalulungkot ko na hindi ko magagawa ‘yun.”
Hindi natakot si Lorenzo. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at tinuro niya si Maxine, at sinabing, “Pinili ko si Maxine bilang pinuno ng pamilya\, kaya siya ang magiging pinuno ng pamilya. Tobias, itinakwil ka na ng pamilya. Hindi ka na isang Caden. Lumayas ka sa paningin ko ngayon din.”
“Binalaan kita…”
Sa isang kisapmata, sumulpot si Tobias sa harap ni Lorenzo.
Subalit, noong sandaling iyon, isang tao ang sumulpot sa may pinto. Noong nakita niya ang tao sa pinto, namutla ang mukha ni Tobias na para bang nakakita siya ng multo. Napaatras siya, at nautal, “I-Ikaw…! P-Paanong nangyari ‘to?”
Hindi makapaniwala si Tobias sa kanyang nakikita.
Isang matandang lalaki ang dahan-d