Kumaway si Polaris ng kaunti at isang dokumento sa lamesa ang lumipad patungo kay James.
“James, ito ang detalyadong impormasyon tungkol kay Rodent. Tignan mo.”
Natanggap ito ni James at binuksan ang dokumento.
Isang litrato ang nakadikit sa tuktok ng dokumento, at medyo malabo ito. Sapagkat nakasuot ng maskara ang tao at kalahati ng mukha ay natatakpan ng maskara, hindi makita ni James kung anong itsura niya.
Nagsalita si Polaris, “Sapagkat wala tayong oras masyado, ito na ang pinaka kumpletong