Alam na agad ni James ang kundisyon ni Koehler ng isang tingin lang. Kahit na lamang siya matapos ipakita ang lakas niya na higit sa kanina, alam ni James na naubos na niya ang lakas niya. Pagkatapos ng laban na ito, manalo man siya o matalo, mabubulok ang mga bituka niya. Mabubuhay na lang siya ng tatlong buwan at best.
Hindi ito binigyan pansin ni James at patuloy na inobserbahan ang laban.
Alam ni Lucjan kung anong binabalak ni Koehler. Kahit gamit ang buong lakas niya, hindi pa din kaya talu