Naging pabaya si Polaris dahil sa bilis ng reaction ni James.
Nanigas si Polaris. Huli na ng maayos niya ang sarili niya. Sapagkat nahawakan na ang braso niya, hindi na niya naiwasan ang atake ni James. Itinaas niya ang kabilang kamay niya para harangin ng sapilitan ang atake ni James.
Boom!
Dalawang makapangyarihan na True Energy ang nagkasalubong, at isang malakas na pagsabog ang dumagungdong sa kabundukan.
Sa puntong ito, napaatras si Polaris sapagkat hindi niya nakayanan ang lakas. Kahit ang