”Hindi mo ba ginawa ‘yun?” Nagsalubong ang kanyang mga kilay, nilabas ni James ang larawan ni Delilah at hinagis niya ito papunta kay Archbishop Polaris, at sinabing, “Tingnan mo ‘to.”
Sinalo ni Archbishop Polaris ang larawan at tiningnan niyang maigi ang mukha ni Delilah, at umiling siya. “Hindi ko pa nakita ang babaeng ‘to.”
“Imposible.” Ang sabi ni James. “Sinabi sa’kin ng Archbishop ng St. Anne’s Castle na ikaw ang dumukot sa kanila. Sinabi pa nga niya mismo na si Archbishop Polaris, na pa