Kung hindi dahil sa seatbelt, marahil nalaglag siya sa sahig.
Mabilis ang tibok ng puso niya at inabot siya ng ilang segundo bago naayos ang sarili niya. Noong tinignan niya muli si Thea, isang magandang babae na naguguluhan ang nakita niya.
Iba na ang mga mata niya, pangkaraniwan na ito at kung tutuusin, mas maganda kaysa sa mga pangkaraniwang mga tao.
Tinignan ni Thea si Francisco, tumalikod at tumingin na lang sa bintana ng hindi nagsasalita.
Magandang tanawin ang nakita niya sa labas, asul n