”Nakakainis ang technique na ‘yun.”
Sumama ang tingin ni Yaakov noong nakita niya na naging kulay tanso ang katawan ni James.
Hinigpitan niya ang hawak niya sa kanyang espada, at sa isang iglap ay sumulpot siya sa harap ni James.
Kasing bilis ng kidlat ang kanyang mga kilos.
Hindi man lang nagkaroon ng oras si James na kumilos bago niya naramdaman na nakadiin sa dibdib niya ang espada ni Yaakov.
Buti na lang ay ginamit niya ang Invincible Body Siddhi, at tumibay ng husto ang kanyang depensa