Nalaglag ang isang manipis na bakal na kable mula sa manggas ni James.
Habang hawak ang bakal na kable mula sa kabilang dulo, agad na naging mga karayom ito.
Nag-utos si James. “May oras pa tayo. Sa paggamit ng Crucifier, gagaling agad ang mga pinsala ko. Thea, kailangan kita para tulungan ako ipasok ang mga karayom.”
Para maibalik ang lakas niya, kailangan ni James umasa sa Crucifier.
“Mhm.”
Tumango si Thea.
Habang hawak ang Crucifier sa isang kamay, sinimulan niya ipasok ang mga karayom base sa gabay ni James.
Third-rank martial artist si Thea. Sa buong panahon na ito, masipag siya sa pagcu-cultivate. Ngayon, naabot na niya ang middle-stag third rank. Sapagkat makapangyarihan na ngayon ang True Energy niya, kaya na niya magpasok ng mga karayom ng maraming beses.
Matapos ipasok ang mga karayom, naubos ang True Energy niya.
Ginabayan siya ni James sa pag-alis ng mga karayom.
“Kumusta ang pakiramdam mo, Darling? Maganda na ba ang pakiramdam mo?” Namumutla si Thea, butil butil ang pawis