Habang pinapanood niya ang pag-alis ni James, bumuhos ang mga luha ni Thea.
"Bakit, James? Bakit…"
Noong sandaling iyon, wala na siyang dahilan para mabuhay.
Tumayo siya sa tabi ng kalsada at umiyak. Pagkatapos, tumalon siya sa bangin ng walang pag-aalinlangan.
Binuo ang kalsada sa paligid ng bangin. Sa kabilang gilid nito ang isang matarik na bindok, at sa kabila naman ay isang napakalalim na bangin.
Kahit na nakatalikod si James kay Thea, naging napakalakas na din ng kanyang pakiramdam pagkatapos niyang maabot ang seventh-rank. Alam niya kung an o ang nangyayari kahit na hindi siya lumingon.
Noong sandaling tumalon si Thea sa bangin, agad niya itong naramdaman.
"Yung tangang 'yun," Tahimik siyang nagmura. Pagkatapos, sa isang iglap, tumalon siya sa ere at pababa sa matarik na mga bangin.
Kahit na isa siyang seventh-rank martial artist, hindi niya kayang kontrolin ang True Energy niya ng maayos dahil sugatan siya. Dahil dito, hindi niya makontrol ang bilis ng pa