“Masusunod.”
Tumango si Madelyn.
“Sige na, maaari ka ng umalis. Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nakaraang mga araw, kaya magpapahinga na ako sa kuwarto ko.”
Tumayo si Yaroslav. Hindi niya alam kung makakatulog siya, pero maliban sa pagtulog, wala na siyang iba na magagawa.
Bumalik siya sa kuwarto niya at nahiga sa kama, pero hindi siya makatulog.
Maraming taon na ang lumipas mula ng nakaramdam siya ng pagkabalisa. Ipinikit niya ang mga mata niya, at milyun-milyong mga ideya ang sumagi sa is