”Tapos ka na bang basahin ang manual?” Ang tanong ni Bennett.
Tinuwid ni James ang kanyang sarili at tumingin siya kay Bennett na may masayang ngiti sa kanyang mukha. Tumango siya at sinabing, “Oo, tapos na ako.”
“Ngayon, sabihin mo sa’kin kung anong natutunan mo pagkatapos mo itong basahin ng isang beses.”
Nag-isip sandali si James at binuka niya ang kanyang bibig. “Napakalalim ng swordsmanship technique na ito. Hindi lang ito isang simpleng technique at maaari itong hatiin sa dalawang bahag