Bumuntong hininga ang matanda habang pagod ang mukha niya, “Hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko. Wala ng saysay ang tumakas mula rito kung ilang dekada na rin naman akong nakakulong.”
Natulala si James. Ilang dekada ng nakakulong ang matandang lalake na ito…
Umupo din siya.
Tinignan siya ng matanda. Habang kalmado ang itsura niya, nagtanong siya, “Sino ka? Saan ka nagmula?”
Tinignan ni James ang matanda at sinabi ang totoo, “Isa akong Caden, isa sa Ancient Four.”
“Oh, isang Caden?” Nabigl