Si Dax ang kinakapatid ni Darryl kaya bakit siya ililigtas ni Skylar nang walang magandang rason? Hinding hindi lalambot ang kaniyang puso kahit na pumayag si Debra sa gusto niya. Wala nang katulad ang kasamaan sa plano na kaniyang naisip. Sa panlabas ay makikitang maayos ang lagay ni Dax sa sandaling inumin nito ang kaniyang dugo na may Soul Devouring Bloodworm pero sa totoo lang ay mapapasailalim na ito ng kaniyang kontrol.“Talaga, salamat, maraming salamat!” Tuwang tuwa namang tumayo si Debra habang kinukuha ang vial sa kamay ni Skylar. Nang buksan niya ito ay nakita niyang puno ito ng dugo na naglabas ng amoy na bakal sa paligid. Siguradong nagmula ang sariwang dugo ito sa mga ugat ni Sklyar.“Dadalhin ko na ito pabalik!” Sabi ni Debra bago tumalikod para umalis.Mabilis naman siyang sinundan ni Sklyar habang sinasabi na “Ihahatid na kita,” nang nakangiti.“Tandaan mo ang ipinangako mo sa akin, Debra,” sabi ni Skylar nang makalabas sila ng hotel. Hindi na maipaliwanag ang tuwa
Leer más