Dahan dahang naglakad si Jewel palapit sa kaniya habang ipinapakita ang mahinhin nitong mukha at sinasabing, “Kamahalang Envoy, ngaoyng nagmula kayo sa Godly Region, maaari po ba akong humingi ng pabor?”Nagmukhang seryoso si Jewel habang umaasang nakatingin kay Rogart…“Bigyan ka ng pabor? Ang babaeng ito ay ang kapatid ng tumatayong lider ngayon ng angkan ng Divine Dragon. Masyado nang mataas ang estado nito habang nagtatanglay naman ang kaniyang katawan ng matinding lakas pero nagawa pa rin nitong humingi ng tulong sa akin?” Natitigilang inisip ni Rogart.Kasabay nito ang paghinga niya nang maluwag sa kaniyang sarili. “Mukhang hindi na niya ako aatakihin ngayong nanghihingi na siya ng tulong sa akin.”Dito na siya nakangiting sumagot ng, “Sige, ano naman ang maitutulong ko sa iyo?”Nasabik nang husto si Jewel nang malaman niyang handang tumulong si Rogart kaya mabilis nitong sinabi na, “Hindi sinasadyang makapasok ng malapit kong kaibigan na si Darryl sa Godly Region. Sinusubuk
Leer más