Matapos pamahalaan ang Temple of Light, sinamantala ni Bonnie ang pagkakataon na aralin ang mga technique na ginagamit nila. Ang mga method na nilikha ni Master Franklin ay masyadong kumplikado kaya nahitapan siyang intindihin ito. Sa dalawang araw na lumipas, maya’t-maya niyang pinupuntahan si Yalena para magtanong ngunit kahit anong kulit niya ay wala talaga siyang mapala dito kaya galit na galit siya. Sa kabila ng lahat ng pananakot niya, walang bakas kahit katiting na takot sa magandang mukha nito, sa halip ay walang emosyon pa nitong sinabi, “Sinabi ko naman sayo na mga tunay na Goddess of Light lang ang pwedeng gumamit ng technique na yan, at sino ka ba? Ninakaw mo lang naman sa akin ang posisyon na yan at anong tingin mo sa akin? Tanga na basta-basta nalang sasabihin sayo ang sikreto?”Hindi nagustuhan ni Bonnie ang sagot ni Yalena kaya galit na galit siyang sumagot, “Mukhang hindi ka talaga natatakot mamatay no?!”At pagkatapos na pagkatapos magsalita ay bumuga si Bonn
Leer más