’Ah, so dahil pala ito sa lengwahe ng halimaw.’ Naisip ni Darryl.Ngumiti at nagsalita siya. “Sa totoo lang, ang tungkol doon, ginawa ko lang ang salitang lengwahe ng halimaw. Ipinanganak akong mayroong ganitong abilidad, kaya hindi ko alam kung…”Nakatingin siya kay Madame Pandora at nawala ang kaniyang kaisipan. Muling lumipas ang sampung segundo bago siya nagising dito. ‘Hay*p, magagalit ba siya?”Inobserbahan niyang maigi ang ekspresyon ng babae at nasorpresa siya sa kaniyang nadiskubre na hindi siya galit at nag-adjust para i-prisinta ang sarili gamit ang pinakamagandang tindig. Kaya naman hindi sinadyang mapalunok ni Darryl. ‘Siya ang magiging kamatayan ko.’Bahagyang nagbuntong-hininga si Madame Pandora. “So walang may kailangang ipanganak nang mayroon nito? Bummer. Akala ko ay matututunan ko na ito. Umasa akong matuturuan moa ko pero mukhang hinding-hindi ito mangyayari. Sabagay, bihira pa rin ang talent sa buong Golden Lion Principality sad ulo ng araw. Isang totoong karan
Leer más