Nahati sa dalawa ng Heavenly Halberd ang Mirror Devil pero agad pa ring bumalik sa dati ang katawan nito sa loob lang ng isang iglap. Ito ang bagay na pinakagumulo kay Darryl.“Buwisit, ano ang nangyayari?” Isip ni Darryl.Habang tumatagal ay mas tumitindi ang pagaalala na kaniyang nararamdaman. Dito na niya ginamit ang kaniyang White Lily Cold Flame, pero ganun pa rin ang nangyayari. Para bang hindi naaapektuhan ang mga Mirror Devil maging ng White Lily Cold Flame.Dito na sumigaw ang nakikipaglaban na si Yennie ng, “Gumagawa ang mga Mirror Devil ng masamang aura na kumakalat sa paligid, Darryl. Mga demonyong espirito ang mga ito kaya wala silang pisikal na katawan, ito ang dahilan kung bakit hindi mo sila matatalo sa pamamagitan ng pangkaraniwang paraan sa pakikipaglaban. Hindi ba’t nakonsumo mo na ang Chaotic Yin Yang Bead ni Empress Nuwa? Gamitin mo ang enerhiya nito para atakihin ang mga Mirror Devil!”Naglalaman ang Chaotic Yin Yang Bead ng isang spiritual aura na nagmula sa
Leer más