Napuno ng katahimikan! Nang makapasok si Xenia ay tumahimik sa male guest lounge. Maganda si Xenia; nagulat ang mga staff at mga lalaking bisita sa nakita nilang kakaibang ganda ng babae Napukaw ang atensyon ng mga lalaki sa pambihira niong katangian at hindi nila magawang alisin ang kanilang mga tinign. Oh… Sa parehong sandali ay nagulat din si Xenia. Namula ang mukha nito. ‘Ano ang lugar na ito?’ Napansin ni Xenia na puro lalaki ang tao roon at halos walan saplot ang mga ito. Ngunit mabilis siyang bumalik sa wisyo nang maalala niyang kailangan niya pang mahuli si Darryl. “Tsk, tsk, tsk!”Nabasag ng isang papuri ang katahimikan. Nakaniting nagtanong ang lalaking bisita na pinakamalapit sa kinatatayuan ni Xenia. “Hey, Ganda! Bago ka lang ba? Hindi pa kita nakikita rito!” Iyon ay si Joashua Rivera, ang sigang pinuno sa Senreve City at mainpluwensya at makapangyarihan ito sa lugar. Tumango ang kaniyang mga tagasunod sa sinabi niya. “Napakaganda ng babae, katapid
Leer más