Mabagal na lumapit sa hara psi Chang Er, tiningnan nito ang paligid at banayad ang boses na nagsalita. “Sa nakalipas na ilang libong taon, napaghiwalay ang Nine Continents na nagdulot ng walang tigil na alitan. Sampung taon na ang nakaraan nang unang lusubin ng New World Continent ang World Universe Continent. Di nagtagal at inagaw ni Yang Jian ang trono at nagsimula ng kaguluhan sa maraming lugar na nagresulta ng paghihirap.“Kahit na nag-cultivate ako sa Holy Saint Sect malayo sa mga nangyayari sa mundo, sa nakalipas na ilang taon at hindi ko nakalimutan ang mga tao sa mundo. Naramdaman kong kailangang magnomina ng pinuno ng Nine Continents para mabawasan ang mga hindi kaialngang pagtatalo. Ngayonng araw, sa pamamagitan ng Supreme Conference, gusto kong i-anunsyo ang isang bagay.”Hindi malakas ang boses ni Chang Er, pero kumalat ito sa mga manonood; narinig ito ng lahat. Nagpigil ng hininga ang lahat habang tahimik na inantay ang kaniyang anunsyo.Bahagyang umuwang ang mga labi n
Leer más