Gustong gusto nang umiyak ni Alan pero walang kahit na isang luha ang tumulo sa kaniyang mga mata.Bakit?“Kahit na nagawa kong maghiganti kay Darryl, hindi pa rin naman ito patay. Pero nagawa akong tanggalin sa aking posisyon bilang Altar Master habang pinagiisipan ang mga nagawa kong pagkakamali nang nakahiwalay sa lahat?”Dito na hinawakan ni Alan ang mga paa ni Lu Dongbin habang umiiyak na nagmamakaawa rito. “Alam ko pong nagkamali ako, Sect Master. Alam ko na po iyon ngayon. Patawarin niyo po ako sa aking mga nagawa, Sect Master.”“Ilang taon kong pinaghirapan ang pagiging Altar Master ng Ryukin Sect kaya hinding hindi ko hahayaang mawala na lang ang lahat ng ito ngayon!”Pero naging determinado pa rin si Lu Dongbin sa kaniyang naging desisyon kahit na sa harap ng nagmamakaawang si Alan na humihingi ng tawad sa kaniyang mga nagawa. Iniling lang nito ang kaniyang ulo habang sumasagot ng, “Masyado kang nakafocus sa paghihiganti, Alan, kaya hindi ka karapat dapat na maging Altar
Leer más