Lumabas si Elliot para hanapin si Ben. Sakto, papunta rin sakanya si Ben para yayain siyang mag lunch.
“Ininvite ka ba ni Avery?” Tanong ni Elliot.
“Yung sa birthday party ba yan ng mga bata? Hindi pa!” Nagtatakang sagot ni Ben. “Bakit? Ininvite ka na ba?”
Umiling si Elliot.
“Okay lang yan. Kalahating buwan pa naman! Siguro naman sasabihan niya tayo mga ilang araw bago ang party.” Confident na sagot ni Ben. “Isa pa, kung hindi ka man niya iinvite, sigurado naman ako na iinvite niya ako l