Pero baka tama nga ang sinabi ni Avery… na hindi siya karapat-dapat na maging isang tatay!
Kung sarili niya ngang buhay ay hindi niya maayos, paano pa kaya siya magpapalaki ng bata?
Pagkarating ni Wesley, si Mike at Chad lang ang naabutan nila ni Shea sa neonatal unit.
“Bakit, Wesley?” Gulat na tanong ni Mike nang makita niyang may dalang kahon si Wesley.
May nakasulat na “Blood Transfusion Kit” sa labas nito.
“Dugo,” Sagot ni Wesley. Wala na siyang oras para makipag usap kaya pagkatapo