Lumabas kaagad ang resulta at hindi kamatch ni Elliot ang blood type ni baby Robert.
Buti nalang din at malakas ang koneksyon niya kaya nakapag announce kaagad sa publiko na nangangailangan siya ng RH negative na mga blood donor.
Pagkarating ni Mike sa ospital, si Elliot ang una niyang nakita. “Anong nangyari kay baby Robert? Bakit daw kailangan niyang masalinan ng dugo?”
Sakto, nandoon din ang doktor kaya ito na mismo ang sumagot. “Normal lang sa mga premature na baby ang magkaroon ng mga