Kailangan nila ng ebidensya para mapatumba si Chelsea.
“Sweetie, nung pumunta si Elliot ngayon, sabi niya nagtago ka sa kwarto mo nung nakita mo siya,” nag-aalalang sabi ni Avery. “Bahay mo ‘to. Hindi mo kailangang magtago sa kanya.”
“Hindi ako nagtatago,” sabi ni Hayden habang nakakunot ang mga noo. “Ayoko lang siyang makita..”
“Plano niyang lumipat para tulungan ang bunso mong kapatid kapag pinanganak na siya.” Nagdadalawang isip si Avery at bumuga ng buntonghininga. “Magiging mahirap ba