Nandito ako para bigyan ka ng pera dahil kailangan ko ang tulong mo. Magsabi ka lang kung magkano, babayaran kita.”
Kahit kailan, hindi naisip ni Cole na kakailanganin siya ni Avery isang araw.
“Maliit na bagay lang ang pera. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami magkakilala ni Nora. Kinausap ko lang naman siya kasi akala ko ikaw siya..”
Hindi niya man sinabi ng direkta na tinatanggihan niya si Avery, pero malinaw na yun ang pinapahiwatig niya.
“Magkano ang kinita ng company niyo last year