Nilagpasan lang ni Tammy si Chad at dumiretso siya sa office ni Elliot.
“Uy mukhang may balak nanaman makipag away yung asawa mo ah!” Tukso ni Chad.
Napabuntong hininga nalang si Jun. “Sinabihan ko nga siya na wag na kaming pumunta dito pero hindi ko talaga siya maawat. Pinagpipilitan niya na hindi daw si Avery yung nasa video pero kahit ilang beses kong panuurin, si Avery talaga ang nakikita ko eh!”
“Siyempre best friend ni Tammy si Avery kaya malamang kakampihan niya yung kaibigan niya. G