“Chad, dineactivate ba ni Elliot yung account niya?” Tanong ni Avery.
HIndi rin alam ni Chad kaya nagulat siyang sumagot, “Ah… hindi ko alam kasi wala naman siyang sinasabi sa akin. Bakit? Hindi ka makapag transfer sakanya?”
Tumungo si Avery.
“Sige, itatanong ko sakanya bukas sa office.” Nahihiyang sagot ni Chad. “Baka naman ayaw niya ng tanggipin yung pera mo?”
“Alam mo patawa siya! Anong gusto niyang mangyari? Habambuhay na may utang sakanya si Avery?” Naiinis na sabat ni Tammy. “Ano ba k