“Tama tama! Baka ngayon lang yan mabait. Tignan natin kung ganyan pa rin siya pagkapanganak mo.” Natatawang sagot ni Mike. “Hanggang kailan niya kakayaning magpanggap.”
Wala ng nagawa si Avery kundi panuurin si Mike kung paano siya pagtawanan nito. “Actually…. Pupunta daw siya sa bahay bukas para paglutuan tayo.”
“Ano?!” Akala ni Mike ay nagkamali lang siya ng dinig. “Marunong ba siyang magluto? Seryoso ka ba na paglulutuan niya lang tayo? Baka naman lasunin tayo niyan ha!”
Hindi alam ni Ave