Sobrang kapani-paniwala ng drama ni Zoe pero hindi kumbinsido si Shea.
Alam niya ang pinagkaiba ng taong nagsasabi ng totoo o ng nagsisinungaling o kapag tinitigan niya ang ito sa mga mata.
Kaya alam niyang nagbabait-baitan lang sakanya si Zoe dahil sa kuya niya pero sa totoo lang ay alam niya namang wala talaga itong pakielam sakanya.
“Sabi sa akin ng kuya ko, mag’thank you daw ako sayo. Ayoko.” Galit na sabi ni Shea.
Nakangiting tinignan ni Zoe si Mrs. Scarlet, “Okay lang ba na iwanan m