Kinuha ni Avery ang phone mula kay Layla at nang makita niya ang pangalan ni Wesley sa screen, hindi siya nagdalawnag isip na sagutin ito.
“Avery, Happy New Year!” Masayang bati ni Wesley mula sa kabilang linya.
Natawa si Avery, “Happy New Year’s Eve, Wesley! Bukas na ako mag lolong message sayo.”
“Hahaha! Ikaw talaga! Nag dinner na ba kayo? Mamaya pa sana kita tatawagan, pero may maganda kasi akong balita at hindi na ako makapag pigil.” Huminto ng sandali si Wesley bago ito magpatuloy, “Nak